Talambuhay ni Pangulong Rodrigo Duterte

 Si Rodrigo "Rody" Duterte ay ipinanganak noong ika-28 ng Marso taong 1945. Siya ay isang Pilipinong abogado, politiko, at ang ika-16 at kasalukuyang Presidente ng Pilipinas. Kilala rin siya sa pangalang Digong. Siya ang unang pangulo mula sa Mindanao at ang pinakamatandang naging presidente sa kasaysayan ng Pilipinas sa edad na 71 (dating rekord na hawak ni Sergio Osmeña sa edad na 65).

Nag-aral si Duterte ng Political Sciencebsa Lyceum of the Philippines at nagtapos noong taong 1968. Tinapos naman niya ang kanyang abogasiya noong taong 1972 sa San Beda College of Law. Pagkatapos nito ay nagtrabaho siya bilang abogado at taga-usig ng Davao City, isa sa pinakamalaking lungsod ng Pilipinas. Si Duterte ay naging isang bise mayor ng Davao City bago naging alkalde ng lungsod noobg 1986. Isa siya sa mga alkalde ng Pilipinas na may pinakamahabang nagugol sa serbisyo, umaboy ng pitong termino at higit na 22 na taon. 

Noong Mayo 9,2016 nanalo si Duterte sa halalan bilang pagkapangulo. Nakakuha siya ng 39.01% na mga boto laban sa katunggali na si Mar Roxas mula sa Liberal Party. Sa kanyang kampanya, ipinangako niyang mababawasn ang krimen sa pamamagitan ng pagpatay sa libu-libong mga kriminal. Ang kanyang domestic policy ay nakatutok sa paglaban. Sa iligal na droga sa pamamagitan ng pagtugis sa mga pinaghihinalaang nagbebenta at gumagamit ng droga. Noong Abril 2017, tinatayang higit 7,000 katao ang namatay mula sa lehitimong operasyon ng pulisya at vigilante-style killings. Si Duterte na binansagang "The Punisher" ng time magazine, ay iniuugnay rin ng Amnesty International at Human Rights Watch sa ekstrahudisyal na pamamaslang sa higit 1,400 na pinaghihinalaang kriminal gamit ang vigilante death squads sa panahong ito ay alkalde pa ng Davao. 

Si Duterte ay isa sa pinakamagaling na pangulo sa Pilipinas dahil siya lang ang nag iisang pangulo na tumugis sa mga kriminal at sa mga nagdro-droga. Siya lang ang nag iisang Presidente na nakapagpalinaw sa Pilipinas hindi man gaanong malinaw pero hindi na katulad noon. Ngayong panahon na ito ang Presidente ay nahihirapan dahik sa sunod-sunod na mga pangyayari gaya ngayon may covid na kinakaharap at sumunod naman ang bagyo. Hindi na alam ng Pangulo kung anong uunahin dahil kahit sa politika ngayon hindi nagkakasundo lalo na ang pangulo at ang besi presidente na si Robredo. Gusto lang naman ng Pangulo na magkaisa at isasantabi muna ang politika dahil malaking problema ang kinakaharap ng bansa natin dahil hindi niya ito magagawa ng siya lang. Hanggang ngayon ang ating bansa ay humaharap sa malaking problema at kailangan nating magkaisa upang hindi ito lumala sumunod sa batas at suportahan ang ating Pangulo at ang ating gobyerno.


Comments